Ang babae, noon at ngayon

May 19, 2020

Ni Raquel Buerano

Kababaihan, kilala bilang may pusong dakila
Noong unang panaho’y tinuturing na mahina
Walang silbi sa lipunan ang kanilang salita
Taga bahay kung ituring, taga-luto’t , taga-alaga.

May diploma man ay wala pa ring silbi
Pagka’t ang lalaki ang itinuturing na haligi
Ang babae noo’y isa lamang taga-silbi
Laging nakaasa sa kinikita ng lalaki.

Sa paglaon ng panahon, nabago ang lahat
Ang lalaki’t babae’y, pareho nang gumaganap
Ang karapatan ay magkapantay at sa batas ay nakasulat
Babae’y di na maaapi, madudusta, at mahahamak

Maigi ang dulot ng makabagong batas
Pagkaalipin ng mga babae ngayon ay nagwakas
Lalaki at babae’y pareho na ng karapatan
Maging sa pamumuno maaari nang magtulungan

Malaki na ang pagbabago ng kababaihan ngayon
Maaari nang mamuno at magkaroon ng posisyon
Malakas ang kaisipan at laging palaban
Mahirap man ang pagsubok hindi basta-basta sinusukuan

Magkaiba man ang kababaihan noon at ngayon
Ang mahalaga nakakuha tayo ng leksyon
Hindi man nagkakapareho ang kanilang henerasyon
Babae kinikilala ka na lumalaban, namumuno, at umaaksyon.

This literary piece is written as part of Women Go, Haribon’s project funded by the European Union. Popularized as ‘Women Go’, the Enhancing the Role of Women in Protected Area Governance for Social Change project aspires to empower and propel rural women in taking the lead on forest governance in the municipalities of Real, Infanta, & General Nakar to improve community wellbeing and promote climate resiliency.


Notice: Undefined variable: commenttitle in /home/hayjt8x5q5fi/public_html/archived.haribon.org.ph/wp-content/plugins/facebook-comments-plugin/class-frontend.php on line 138